syortkat

4 12 2007
syortkat
titik ni : bangenge

kay dami ng naghahanap sayo
sabi nila kay ilap mo
di mahagilap
singtaas ka ng mga ulap

sabi nila
hangad lang ay konting saya
konting kick sa dibdib
kahit saglit may bumilib

o ligaya
kay hirap mong makuha
dahil ang pusong ito’y
hindi ka pa kilala

o ligaya
kay hirap maatim
dahil ang akala ko’y
akalang sakim

mga lobo’y wala na
sa langit nais pumunta
ang kaligayahan
kasamang namaalam

bago pa man mahuli
pause lang muna pare
tumigil at magmuni
ano ba ang sabi ng sarili

ang tunay na ligaya
di mahirap makuha
ito’y nandun sa puso
natural, nakatago

o ligaya
gusto kang angkinin
damhin sa isip
hanggang sa panaginip

o ligaya
pag katanyaga’y wala na
lalong ikaw ay
mas nadarama

o ligaya….
o ligaya….

==================
si bangenge ay katatapos lang manood ng Shortcut to Happiness.